Sunday, December 18, 2011

Let's Take Time To Pray

3 years ago nung nagpunta ako ng Cagayan De Oro para magbakasyon.  Di ko ma-imagine ngayon na isa sila sa mga pinakanasalanta ng bagyong Sendong.  Sa mga balita kong nakikita at naririnig, napakarami talaga ang naapektuhan.  Puro putik at baha sa siyudad mismo ng Cagayan De Oro.  Gusto ko pa naman bumalik uli ng CDO sa susunod na taon.  Sigurado, iba na ang madadatnan ko pag nagbalik ako dun ngayon.  Napakalungkot na nasa daan daan na ang namatay.  Malungkot ang kanilang Pasko.  Kaya sa mga masugid kong mambabasa, pahinga muna tayo sandali.  Magdasal at tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.  Pwede kayong tumawag sa Sagip Kapamilya hotline at 411-4995.  Ang pinaka-kailangan nila ay cash, tubig, damit, gamot, at pagkain.

Let's all do our share.  Let's pray for each lives lost and hoping that God will give the families left the strength to survive.  Let's also help CDO bring back its beauty after the storm.



No comments:

Post a Comment

Salamat sa pagbasa! Ano masasabi mo?