Sunday, October 23, 2011

Imoral ba?

Pumunta ko sa isang bridal shower nung isang araw.  Kaibigan ko sya simula nung mga bata pa kami dahil naging kaklase ko sya.  Ngunit, di ko sya gaanong ka-close.  Pero ang alam ko, sya yung tipo ng babae na konserbatibo.  Di lang ako sigurado kung open minded ba sya.  Pero sa tingin ko hinde.  Iilan lang ang naging boyfriend nya sa buong buhay nya.  Bukod sa mapili at pihikan sya, may mga standards or "checklist" na dapat syang sundin bago nya maging isang boyfriend ang isang lalake.  Sya ang tipo ng babae na sa bawat kasintahan, kasal na agad ang naiisip nya.  Tipong ang lalakeng iyon ay sya nang pakakasalan nya habang buhay.  Maganda sana ang ganung pananaw dahil ang ibig ipahiwatig nito ay seryoso talaga sya sa kasintahan nya.  Di ko ilalahad ang buhay pag-ibig nya dahil di naman iyon ang paksa ng blog ko.  Ilalahad ko lang ang mga bagay-bagay na nasaksihan ko sa bridal shower na pinuntahan ko.

Katolikong maituturing ang kaiban kong ito pero linggo linggo ay uma-attend sya ng bible study.  Hindi lang ako gaanong kasigurado kung sya ba ay nagpalit na rin ng relihiyon at naging Kristiyano.  Ang mga ibang Kristiyano ko kasing kakilala ay merong lingguhang fellowship.  May simbahan na pinupuntahan ngunit hindi naniniwala sa mga santo.  Yun ay ayon lamang sa aking pagkakaalam.  Imbitado sa bridal shower ang mga kasamahan ng kaibigan ko sa bible study.

Dahil alam kong konserbatibo nga ang kaibigan kong ito, nahirapan akong maghanap ng regalo.  Tanging t-bak na lang ang naisip ko kahit na alam kong di nya iyon magagamit.  Sinabihan din ako ng organizer na wala kaming  "stripper" sa partying iyon.  Ok lang naman iyon dahil alam kong magiging masaya pa rin ang aming girl bonding.

Tama, naging masaya naman ang party dahil sa mga GP (general patronage) na games na ang karamihan ay tungkol sa bride.  Pagdating sa bukasan ng regalo, dun mapapansin kung sinong grupo ang "malalaswa" mag-isip at kung sino ang hindi.   Kaming mga kaklase nya ang maituturing na nag-regalo ng pang-adults.  Ngunit, tulad nga ng naisip ko rin, karamihan samin ay medyo parental guidance lang ang regalo.  Ang grupo ng mga kaibigan nya sa bible study ay karamihan libro ng tungkol sa pag-aasawa at Panginoon ang regalo.  Isa lang sa kanila ang nagbigay ng libro na pagiging mag-asawa at sex.

Naisama rin sa program ang pagbibigay ng consequence sa bride sa mga tanong na di nya nasagot o nahulaan.  Kaming mga kaklase nya ang nag-isip na ng mala-Rated R na consequence.  Pero alam naming di kami pwedeng sumobra at baka maiskandalo ang mga tao.  Tanging pag-lap dance lamang ang pinagawa naming consequence.  Sa kasamaang palad, hindi iyon ginawa ng bride.  Di raw nya iyon kaya at itinuro pa ang mga kasamahan nya sa bible study upang ipahiwatig na bawal daw yun.


Kung ako ang tatanungin, napakasimple ng lap dance.  Wala namang aktwal na lalake sa lugar na iyon na sasayawan nya.  Puro babae lang kami doon.  At lalong hindi iyon malaswa.  Lalong hindi iyon bawal kung sa asawa mo naman iyon gagawin.  Nagkaron ako ng impression na porket ba nagba-bible study e nagiging imoral na ang sex o ano mang paksa ukol dito?  No offense meant pero pare-parehas lang naman tayong tao.  At lahat ng tao may itinatagong libog.  Hindi masama na maging malapit sa Panginoon sa kahit anong paraan.  Ngunit ang sex naman at hindi gawa o ideya ng demonyo.  Walang masama doon lalo na kung para sa asawa mo naman na yun mismo ang ipinapahiwatig namin sa consequence na lap dance.  Siguro'y ganun lang talaga mag-isip ang mga taon konserbatibo.  Pero sana naman hindi ituring na imoral ang bagay na gagawin mo naman sa asawa mo.  Magpakatotoo lang tayo.


2 comments:

  1. We can actually say na nagpapakatotoo din naman ang bride. Perhaps she really doesn't know how to do that. Based dun sa pagcharacterize mo sa bride, it's not about the morality of the activity, but her personality. If that's really not her notion of fun, then to each his/her own. :)

    ReplyDelete
  2. salamat sa iyong komento, boy takaw :)

    ReplyDelete

Salamat sa pagbasa! Ano masasabi mo?