Friday, October 21, 2011

Manloloko ba?

Hay naku. Ano ba naman 'tong mga kaibigan ko. Yung kaibigan kong babae, pgkatapos makipaghiwalay sa 5 year relationship nya, after 3 months lang ay may boyfriend na agad. Ang pangit pa nito ay ang bf nya ay may asawa't anak na! Although hiwalay naman ang lalake sa asawa nya. Ang panget lang kasi, sa tingin ko ay ginagamit lang ng babae ang lalake na panakip-butas.

Yung isa ko namang kaibigan na lalake na pamilyado na ay may kabit naman! Hindi nya maiwan asawa nya kahit hindi na nya mahal dahil sa anak nila. Tama ba naman yun? Lalo lang nila sinasaktan ang bata pati ang mga sarili nila.

Ano ba naman 'tong mga kaibigan ko. Mha desperado at desperada ata sa pag-ibig. Well, kung san sila masaya, dun na lang ako. Pakialam ko ba di b? Buhay nila yun at malalaki na sila.

No comments:

Post a Comment

Salamat sa pagbasa! Ano masasabi mo?