Sunday, October 9, 2011

Movie: No Other Woman

Isantabi ko muna ang mga malilibog na karanasan ko sa pgakakataong ito.  Magkokomento lang ako sa pelikulang napanood ko nung isang araw, ang No Other Woman.  Hindi naman ito hambing sa mga naging karanasan ko, ngunit napaisip lang ako.  Totoo talaga ang pelikulang iyon.  Pwedeng mangyari sa aktwal ng buhay ng kahit sinong tao.  Hindi ako maka-relate sa pelikula pero naranasan ko nang maging Other Woman.  Yun nga lang, di ko alam na Other Woman pala ako.  Pero meron din akong isang nagustuhan na lalake na may asawa na at alam kong may asawa na sya.  Sa susunod ko na ikuwento yun.

Sa pelikulang No Other Woman, ipinakita na ang babaeng liberated ang mismong lumalapit sa lalakeng may asawa na.  Ngunit hindi alam ng babae na ito ay may asawa na pala.  Maganda na ipinakita sa pelikula ang agad na pag-amin ng lalake na sya'y may asawa na.  At dahil liberated ang babae, pumayag pa rin syang ipagpatuloy ang kanilang relasyon sa kondisyon na hindi mahuhulog ang loob ng lalake sa babae.  Sa kasamaang palad, nahuhulog din ang loob ng lalake sa babae.  Di ko na ilalahad ang buong kwento ng pelikula, panoorin nyo na lang kasi maganda ito.

Ang ganung istorya ang pwedeng mangyari sa totoong buhay.  Ngunit madalas, hindi umaamin ang lalake, sa asawa at kabit.  Ganun din ang nangyari sakin, maraming beses na.  Minsan girlfriend pa lang ang meron yung lalake, minsan naman ay may asawa na talaga.  Tulad ng naikwento ko sa dati kong blog na pinamagatang parausan.  Si lalake ay may girlfriend na nang di ko alam ngunit nakipag-relasyon pa rin sa akin.  Meron din akong karanasan na, si lalake ay nililigawan ako.  Pagkaraan ng ilang linggo ay may magtetext or tatawag na ibang babae sa akin na tigilan ko na raw ang boyfriend nya.  Meron din namang lalake na pamilyado na, pero nakikipag-seb pa sakin.

Bakit nga ba ganun ang mga lalake?  Dahil na rin ba ito sa mga babae, na liberated kasi? Alam ko liberated ako, pero takot ako sa karma.  Kahit puro libog lang ang ipairal, ayoko pa rin pumatol sa may sabit dahil baka ibalik sakin ng karma iyon.  Sana ganun din ang iniisip ng mga lalakeng kumakaliwa para walang taong masasaktan.  Maitanong ko lang, bakit nga ba kumakaliwa ang mga lalake?

4 comments:

  1. Because the society says it's the macho thing to do.. not that I agree. Just sayin' :)

    ReplyDelete
  2. and that's the sad part of the society.

    ReplyDelete
  3. kase bored na cguro sila, hanap ng thrill.-geena

    ReplyDelete
  4. or baka gusto lang nila malaman yung "may asim" pa sila.

    ReplyDelete

Salamat sa pagbasa! Ano masasabi mo?