Sunday, September 18, 2011

Untitled

I-explain ko lang kung bakit ako narito. Minsan kasi gusto kong mapag-isa.  Isulat lahat ng gusto kong sabihin.  Mga bagay na di ko masabi o maikwento sa pamilya at mga kaibigan ko.  Kaya bedtime stories ang titulo nito.  Feeling ko kasi sa gabi na ako'y mag-isa at matutulog na, dun ko naiisip ang mga bagay bagay.  Dun yung parang gusto kong magkwento.  E syempre gabi na, wala na siguro akong makakausap.  Kaya naisipan kong gumawa na lang ng blog, tutal uso naman yun. 

Under Adult content ang category ng blog ko kasi baka katagalan ay pang-adults na rin ang masulat ko.  Tulad nga ng nabanggit ko, di naman lahat maikukwento mo sa mga kaibigan at pamilya mo.  Lalo na ang mga aspetong sexual.  Ganyan naman kasi sa kultura natin, napakakonserbatibo.  E ako alam ko sa sarili ko open-minded ako.  Wala pa kong nakikilalang kasing open minded ko kaya dito ko na lang i-share.  Lahat lahat gusto kong isulat rito, basta't maisipan ko.  Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa.


No comments:

Post a Comment

Salamat sa pagbasa! Ano masasabi mo?